Alab Ng Puso (Chapter 4)
LANGITNGIT NG KAMA. Tanging ingay na nalikha habang dahan dahan akong bumabangon. Nahihimbing sa pagkakatulog si Anthony. Patingkayad akong lumakad patungo sa pinto at unti unti kong pinihit ang seradura nito.
Nagpapawis ang aking palad. Giniginaw sa kaba habang pababa ng hagdan. Tanging ilaw ng aking cellphone ang nagsisilbing liwanag sa aking daraanan.
Sumilip ako sa bintana sa aming harapan. Hindi nga nagbibiro si Miguel. Nakatayo ito sa labas ng aming bahay. Kaagad kong binuksan ang pinto at tinungo ang lalaki sa aming bakod.
"Anong ginagawa mo dito? Baka may makakita sa atin!"
Hindi ko malaman ang gagawin habang tahimik na binubuksan ang pinto ng gate. Bigla akong hinila ni Miguel papasok ng aming bahay.
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





