Alab Ng Puso (Chapter 6)
NATULALA. Namanhid ang buo kong katawan matapos mabasa ang text ni Miguel. Napasulyap ako sa aking anak at unti unti na nitong nabubuksan ang plastic na balot ng package.
Anong sasabihin ko?
Hindi ako mapakali. Pilit akong umiisip ng idadahilan. Dahilan na hindi ipipilit ni Anthony na tignan ang laman nito. Hanggang sa pumasok sa isip ko ang aking kapatid. Bumalikwas ako ng tayo at biglaang kinuha ang kahon sa aking anak.
"Ay naalala ko na kung ano to. Kay Joyce nga pala to. Siya umorder nito at dito ipinadala. Kukunin na lang daw niya sa akin."
"Ha? Bakit dito pa niya ipapadala? Pwede naman niyang ipadeliver sa kanila."
"Eh alam mo naman yung asawa nun. Palaging nagagalit kapag may binibiling bago para sa sarili."
"Talaga yang kapatid mo oh! Baka naman may ginagawang k...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





