EL Babaero III: Kristina and James History 1
Isang mabait at mapagmahal na Kasintahan ang susubukan ang katapatan niya sa babaeng siya lang ang minahal. Anong pagsubok kaya ang haharapin nilang dalawa Ang storya na ito ay dedicated sa isang babaeng napakahalaga sa aking buhay na nagrequest na gawan ko daw siya ng isang storya. Sa lahat ng mga nakasama ako sa journey mula ng unang sumulat ako. Kilala niyo siguro ang babaeng iyon. Abangan kung ano ang magiging papel niya sa storya na ito.
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental
PS: All characters are above 18 years old.
==========
Pasado Alas Sais ng umaga
“ Babe…..Saan na tayo?” ang malambing na tanong ni Kristina sa akin ng magising ito mula sa mahimbing niyang tulog. Napatitig naman ako sa rearview mirror at napangiti na lamang sa aking kasintahan.
“ Rosario na babe……. Cr na kayo if gusto niyo…… Nagpapakarga lang ako ng gas” ang malambing na sagot ko naman sa aking kasintahan. Nagising na din ung mga katabi nito.
“ Ok babe… bili na din ako ng kendi natin” ang sabi naman ni Kristina sa akin at bumaba na silang tatlo habang kami naman ni Tata Dens ay naiwan dito sa may sasakyan at hinihintay na mafulltank ito.
“ Ayos na po boss” ang tawag naman sa akin ng gas attendant at sabay abot ng susi ng sasakyan. Inabot ko naman ung bayad at dumiretso muna ako doon sa paradahan
“ Cr muna ako tata” ang sabi ko naman sa matanda. Hindi naman daw ito naiihi kaya naman iniwanan ko muna siya. Pagbalik ko sa banyo ay nakasakay na ung tatlo at kaagad na inabutan ako ni Kristina ng kendi.
“ Babe….. Bubblegum para sa atmosphere” sabay abot sa akin ni Kristina ng isang pirasong bubblegum. Kasintahan nga talaga siya ng isang piloto dahil alam niya ang pangontra sa change in altitude.
“ Thanks Babe…. All set na ba kayo?” ang sagot at tanong ko sa kanila. Napatingin ako sa kanila h...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





