HUNTER (Kagat Sa Mansanas Part 8)

Bilyonaryo si Dominic. Binabakas nya ang nakaraan kung paano nya nakamit ang kanyang yaman gamit ang kanyang katawan.

..

Nakatayo si Dominic sa harap ng dingding na salamin ng kanyang opisina na nasa tuktok ng labing-dalawang palapag na building na pag-aari mismo ng kanyang group of companies na Dominion Trading International.

Actually, ito ang kanyang penthouse. Kumpleto sa amenities ang kanyang penthouse. May infinity swimming pool ito na katabi ang isang private spa at body-building gym. Mayroon din itong mga private guest rooms para sa kanyang mga VIP guests na karamihan ay mga overseas business partners at mga billionaire acquaintances na gusto nyang bigyan ng isang natatanging experience sa kanyang penthouse.

“Malaki na talaga ang inunlad ng Pilipinas,” nasabi nya sa sarili habang pinagmamasdan ang skyline ng BGC.

“Pwede nang ikumpara at ihilera sa mga mauunlad na bansa ang financial hub na ito…” Ang tinutukoy nya ay and Bonifacio Global City sa Taguig.

Ang concept ng Bonifacio Global City ay salig sa financial centers sa buong mundo tulad ng sa bansang Singapore. Naririto na halos lahat ng mga amenities ng isang global financial district. Para ngang nasa ibang bansa ka kapag nasa BGC ka. Makikita mo ang mga nagtatayugang mga buildings na moderno na ang mga designs na pawang mga corporate offices at headquarters ng mga international subsidiaries at conglomerates ng mga higanteng multinational corporations.

Ang BGC ay dating malawak na lupain na pag-aari ng Philippine Marines. Subalit naisipan ng pamahalaan na ibigay ang pagmamay-ari ng malawak at nakatiwangwang na lupain sa mga priv...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow